Signs Na May Anxiety Ka Na (At Hindi Ka Lang ‘Pagod’)

Pakiramdam mo ba laging ubos ang energy mo? Baka hindi lang yan pagod—baka anxiety na.

Lahat tayo napapagod. Pero paano kung yung pagod mo hindi na nauubos kahit ilang tulog pa ang gawin mo?

Maraming Pilipino ang nakakaramdam ng labis na pagod, hirap matulog, kaba sa dibdib, at paulit-ulit na pag-aalala—pero madalas nilang binabalewala ito. Akala nila, simpleng pagod lang. Pero posible rin na ito ay anxiety, isang kondisyon na dapat bigyang pansin.

Top Signs Na Baka May Anxiety Ka Na

1. Overthinking 24/7

Hindi ka mapakali sa dami ng iniisip kahit wala namang malinaw na dahilan. Lagi kang nagwo-worry kahit sa maliliit na bagay.

2. Parating Pagod Kahit Kapahinga

Yung bang kahit kumpleto ang tulog mo, parang ubos ka pa rin? Mental exhaustion ang madalas na dahilan nito sa mga taong may anxiety.

3. Hindi Makafocus

Simple tasks nagiging mahirap. Nagbabasa ka pero hindi mo maintindihan. Laging lutang at distracted ang pakiramdam.

4. Kakaibang Physical Symptoms

Mabilis ang tibok ng puso, nahihirapan huminga, dry mouth, o parang laging balisa. Minsan akala mo may sakit ka, pero anxiety lang pala.

5. Hindi Makatulog o Laging Nagigising sa Gabi

Madaling magising o hindi makatulog agad dahil sa dami ng iniisip? Common sign ito ng anxiety.

6. Irritability at Mood Swings

Maliit na bagay lang pero triggered ka na agad. Hindi mo rin maintindihan bakit ka laging inis o malungkot.

See also  Effective Ways to Relax Without Spending Too Much

Paano Mo Malalaman Kung Anxiety Nga?

Self-awareness muna. Tanungin ang sarili: “Ito ba ay dahil sa pagod lang o paulit-ulit na ito kahit nagpahinga na ako?”
Mag-journal para matrack ang thoughts at emotions mo.
Kumonsulta sa eksperto kung tuloy-tuloy at nakaka-apekto na ito sa trabaho, relasyon, o health mo.

Natural Support Para Sa Anxiety

Bukod sa therapy at support system, may mga natural ways din to help your mood and calmness—gaya ng tamang diet, physical activity, at supplements na tulad ng KeepCalm.

KeepCalm is formulated with natural ingredients like Ashwagandha, Magnesium, L-theanine, at iba pang mood-boosters na pwedeng makatulong sa relaxation at tulog mo.

Hindi Ka Nag-iisa, Ka- hero.

Anxiety is real, and you don’t have to face it alone. Awareness is the first step, action comes next. Alagaan mo ang mental health mo, dahil ito ang pundasyon ng lahat.